‘Pilipinas right or wrong’ ang ‘ideal position’ ng mga mataas na opisyal ng bansa. Pero para kay Robin Padilla, ok lang sa kanyang mabansagang pro-China‘Pilipinas right or wrong’ ang ‘ideal position’ ng mga mataas na opisyal ng bansa. Pero para kay Robin Padilla, ok lang sa kanyang mabansagang pro-China

[Tambay] Sa usaping West Philippine Sea, kanino ka panig?

2026/02/01 15:00
6 min read

Hindi namin nagugustuhan mga tambay ang tabas ng dila nung bagong ambassador ng embahada ng China sa Maynila. Kung dati medyo píno ang dating amba, ang humalíli ay astang tigasin. Hindi siya diplomatiko, at bawat kibót may reklamo kapag tingin niya’y maaagrabyádo ang dambuhalang bansa nila.

Oo na, oo na, trabaho yun ni amba. Dahil nga kinatawan siya ng China dito sa atin, pananagutan niya ang mga tamang galaw ng bansa nito, lalo na dyan sa pilit nilang pang-angkin sa halos buong South China Sea, maging ang  bahagi ng West Philippine Sea. 

Dati rin naman nakikipag sagutan ang embahada nila at dinedepensahan ang mga kabulastugán nila tuwing nanghihimasok sa lugar natin. Pero ngayon, may tonong pagbabanta ang pahayag ng gobyerno nila mismo. Sabihan ba naman nilang:  “A word of advice to relevant individuals in the Philippines: immediately stop making provocations and stop confusing right and wrong, or they would pay the price for what they did.” 

Maaaring ito ay isang kaso ng “lost in translation,” pero para sa tambay na ito pananakot ng maton ang dating ng statement nila. Parang bagá sinabing “pagbabayaran mo ng malaki iyang ginagawa ninyo.” At ang tinutukoy nila ay mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Uminit pa lalo ang ang ulo ko nung makalipas ang ilang araw ay napanood ko ang harapan nina Senadora Risa Hontiveros at Senador Rodante Marcoleta. At pagkatapos nila nagsalita din sila Senador Erwin Tulfo at Senador Robinhood Padilla.

Pinagsabihan na ako ng mga kapwa kong tambay ko tigilan ko na yung panonood ng mga debate sa Senado dahil nga tumataas presyon ko at nakasasama sa aking kalusugan. Kasi nga habang nanonood nanggigigil ako at gusto kong manabunot pero ’di ko magawa.

Naunawaan ko naman na may kaniyá-kaniyáng pananaw ang mga mambabatas natin. Naniniwala ako sa halaga ng may mga salungat na boses sa Kongreso. Ang matinong, makabuluhan, makatuwiran, at makatotohanan na  diskurso ay haligi ng demokrasya.

Wala namang taasan ng boses at magalang sa isa’t isa sina Hontiveros at Marcoleta noong balitaktákan nila sa Senado. Naging plataporma ng China si Marcoleta. Naikuwento ng senador na naimbita daw siya ni amba ng China at ito ang mga nasabi sa kanya. Inisa-isa ni Marcoleta ang mga argumento ng China. Sa pananaw ng isang hamak na tambay na tulad ko, suwák na suwák ay sinabi ng senador. Sulit ang panahon ng amba ng China sa miting niya sa senador.

Pagkatapos nila Marcoleta at Hontiveros, nagsalita naman si Tulfo. Sa maalab na paghahayag kinutyâ niya ang China. Partikular niyang tinuligsa ang pagpuna ng China sa freedom of expression at freedom of speech, dalawang prinsipyong nabanggit ng embahada at iba pang pambansang tagapagsalita nito. 

Tama ang itinumbok ni Tulfo. Walang karapatan mag-lecture ang China tungkol sa freedoms kung sa bansa nila mismo at hindi ito pinaiiral. May kinalalagyan ang mga kritiko sa bansa nila. Ang mga sumasalungat sa opisyal na linya ng gobyerno ay naglalahong parang bula. Gusto ninyo ba ng katibayan? Tanungin natin si amba kung maaaring pag-usapan ng karaniwang tao sa China o kaya sa media nila ang nangyari noong 1989 sa Tiananmen Square.  Sa katunayan meron tinagurian sa pinagbabawal mabanggit na “Three Ts” – Taiwan, Tibet, Tiananmen 1989 massacre. Censored sa bansa nila ang lahat ng usapin ukol sa mga topic na yan.

Pero lumilihis ako sa ikinukwento ko.

Nung si Senador Padilla na ang nagsalita naiyak ako. Hindi sa lungkot, at hindi sa tuwa. Naluha ako sa pagtantong ang hirap mong mahalin ng Pilipinas.

Halos pareho ang argumento ni Padilla at Marcoleta. Bihasa talaga si Padilla pagdating sa pagbabasa ng script. Naguluhan ako sa  lohika ng senador, kung lohika ngang maitatawag doon. Pero ang isa sa mga pagkakaunawa ko ay nilaglag niya si Commodore Jay Tarriela dahil daw sa memes na ginamit nito sa isang pagsasalita sa isang academic forum. Doon kasi sa mga drawing sa slideshow ipinakita ang itsurang galit pangulo ng China na si Xi Jinping.

Dear Senator Padilla, hindi mo naman po kailangan sumang-ayon kay commodore, pero ipaglaban mo naman ang karapatan niyang magsalita. Hindi “gets” ng China ang freedom of speech, kahit na ginagamit nila ang mga ganitong expression. Iba ang konsepto nila ng “freedom” at maniwala po kayo ginoong senador kabaligtarán ito ng nakagisnan natin tunay na kalayaan. Bawal sa bansa nila ang kumontra sa partido – iisa ang Communist Party of China at ang gobyerno. 

Si Marcoleta at si Padilla ay kasama sa siyam na senador na hindi pumirma sa resolusyong tumutuligsa sa pagka-sanggano ng embahada ng Beijing. Sigurado akong mayroon sila personal na mga dahilan. Pero sa mga ganitong pagkakataon, hindi ba nila kayang kumampi sa kapwa Filipino. Sa China pa sila pumanig.

Pagdating sa isyu ng panghihimasok at marahas sa pag-angkin sa West Philippine Sea, dapat magkaisa ang mga Filipino. Hindi para makipag-áway o makipag-bakbakan, kasi siguradong bugbóg aabutin natin at hindi tayo mananalo sa China. Gayumpamán, kahit “against the odds” depensahan natin ang atin. 

Totoo naman nagsabi si Marcoleta at Padilla na hindi sila sang-ayon sa ginagawang pambu-bully ng China sa mga sundalo, coast guard at mangingisda natin. Gusto daw nilang hanapan ng solusyon. Ayun naman pala mga ginoong senador, pero sa paghahanap ng remedyo nasaang panig ba kayo?

Palaisipan ngayon sa nagmamarunong na tambay na ito kung tanggap ba ni Marcoleta, Padilla at iba pang senador ang 2016 the Hague arbitral ruling on the West Philippine Sea.

Sa kuwentuhan naming mga tambay, may nakaalala sa nangyari noong gabi ng September 2, 2023 sa Araneta Coliseum. Laban ng Gilas Pilipinas kontra China sa FIBA World Cup, at nanalo ang mga Filipino, 96-75. Makasaysayan dahil matagal-tagal nang hindi tinatalo ng Pinas ang China sa basketball. 

Malinaw pa sa isip ko ang mga larawan ng ilang senador na nanood nung laro na nakasuot ng terno-ternong West Philippine Sea t-shirts. Sa pics halatang todo sigaw ng mga mambabatas para sa Gilas. Nanggagalaíti ang mga ugat sa leeg nila.

Doon sa grupong yun na nanood ng Gilas noong 2023, hindi rin pumirma sa Senate resolution sila Joel Villanueva, Ronald dela Rosa, at Bong Go. Sa basketball todo suporta sila. Sa Senado, wait muna ba at pag-iisipan pa?

Di ba yes or no lang ang sagot dyan? Sa usaping West Philippine Sea, kanino ka panig, sa China o Pilipinas. — Rappler.com

Si Chito de la Vega ay Tambay ng Rappler dalawang beses kada buwan. Kasama rin siya sa mga anchor-host ng programang Balita Kwento Serbisyo ng DZME 1530.

Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact service@support.mexc.com for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.
Tags:

You May Also Like

Securities Fraud Investigation Into Corcept Therapeutics Incorporated (CORT) Announced – Shareholders Who Lost Money Urged To Contact Glancy Prongay Wolke & Rotter LLP, a Leading Securities Fraud Law Firm

Securities Fraud Investigation Into Corcept Therapeutics Incorporated (CORT) Announced – Shareholders Who Lost Money Urged To Contact Glancy Prongay Wolke & Rotter LLP, a Leading Securities Fraud Law Firm

LOS ANGELES–(BUSINESS WIRE)–Glancy Prongay Wolke & Rotter LLP, a leading national shareholder rights law firm, today announced that it has commenced an investigation
Share
AI Journal2026/02/05 04:00
Microsoft Corp. $MSFT blue box area offers a buying opportunity

Microsoft Corp. $MSFT blue box area offers a buying opportunity

The post Microsoft Corp. $MSFT blue box area offers a buying opportunity appeared on BitcoinEthereumNews.com. In today’s article, we’ll examine the recent performance of Microsoft Corp. ($MSFT) through the lens of Elliott Wave Theory. We’ll review how the rally from the April 07, 2025 low unfolded as a 5-wave impulse followed by a 3-swing correction (ABC) and discuss our forecast for the next move. Let’s dive into the structure and expectations for this stock. Five wave impulse structure + ABC + WXY correction $MSFT 8H Elliott Wave chart 9.04.2025 In the 8-hour Elliott Wave count from Sep 04, 2025, we saw that $MSFT completed a 5-wave impulsive cycle at red III. As expected, this initial wave prompted a pullback. We anticipated this pullback to unfold in 3 swings and find buyers in the equal legs area between $497.02 and $471.06 This setup aligns with a typical Elliott Wave correction pattern (ABC), in which the market pauses briefly before resuming its primary trend. $MSFT 8H Elliott Wave chart 7.14.2025 The update, 10 days later, shows the stock finding support from the equal legs area as predicted allowing traders to get risk free. The stock is expected to bounce towards 525 – 532 before deciding if the bounce is a connector or the next leg higher. A break into new ATHs will confirm the latter and can see it trade higher towards 570 – 593 area. Until then, traders should get risk free and protect their capital in case of a WXY double correction. Conclusion In conclusion, our Elliott Wave analysis of Microsoft Corp. ($MSFT) suggested that it remains supported against April 07, 2025 lows and bounce from the blue box area. In the meantime, keep an eye out for any corrective pullbacks that may offer entry opportunities. By applying Elliott Wave Theory, traders can better anticipate the structure of upcoming moves and enhance risk management in volatile markets. Source: https://www.fxstreet.com/news/microsoft-corp-msft-blue-box-area-offers-a-buying-opportunity-202509171323
Share
BitcoinEthereumNews2025/09/18 03:50
Over 80% of 135 Ethereum L2s record below 1 user operation per second

Over 80% of 135 Ethereum L2s record below 1 user operation per second

The post Over 80% of 135 Ethereum L2s record below 1 user operation per second  appeared on BitcoinEthereumNews.com. Ethereum’s L2s are not doing too well. Data
Share
BitcoinEthereumNews2026/02/05 03:52